Monday, August 1, 2011

Sino ang higit na mapalad?

Kung ikaw ang tatanungin sino ang mas higit na mapalad yung taong baliw o ang taong sagad sa yaman, nagpapakasasa sa lahat ng bagay at husto ang isip? Araw gabi sa mga kasiyahan at walang ibang ginawa kundi ang magpakasasa sa kanyang yamang tinamo. Lahat ng bagay na masasabi nating mahalaga dito sa mundong ibabaw ay mayroon siya. Lagi na lang syang laman ng mga bahay aliwan at hindi magkandatuto kung saan dadalhin ang yamang tinatamasa.

Ngunit sa kabilang banda tingnan natin ang buhay at daigdig ng isang baliw o Sisa sa kasaysayan ng aklat. Makikita natin silang nanglilimahid, namumulot ng pagkain at maging basura ay kanilang kinukuha na animo'y isa itong napakahalagang bagay. Tingnan natin ang kanilang mundong ginagalawan parang simple dahil sa konting bagay na tinatamasa natin makikita mo pa rin silang ngumingiti o tumatawa kahit walang kausap. At dahil dito tayo ay napapailing.

Isang baliw na minsan ay nanghihingi ng pagkain, nanglilimos ng tira tirang pagkain at kung minsan ay mamalasin pa pagkat makakatagpo sila ng taong malulupit bata man o matanda at sila'y sinasaktan pa parang natutuwang sila ay galitin. Minsan ay babatuhin pa ang kawawang baliw na pulubi kawawa na sa paningin inaapi at sinasaktan pa. Sila na kapos sa pag-iisip, kapos sa kalinga ng mahal sa buhay, kapos sa pagkain at pangangailangan, at kapos sa lahat ng bagay. Sa kadahilanang walang husto at matinong pag-iisip ang iba ay makikita nating pakalat kalat sa lansangan.

At kung minsan sa lupit ng takbo ng panahon maging ang gobyerno natin ay walang panahon sa kanila. Sapagkat kahit nakikita na silang pakalat kalat sa daan wala pa rin silang pakialam sa mga taong ganito. Ngayon tatanungin ko kayo sino ang mas higit na mapalad ang taong matino na meron ng lahat ng yaman o ang taong baliw na pakalat kalat sa lansangan? Maaring ang isagot nyo ay ang taong matino at meron ng lahat, tama sila ang higit na maswerte sapagkat bukod sa husto ang isip nila ay sagad pa sa yaman at nakukuha ang lahat ng pangangailangan.

Paano naman kaya kung tanungin ko kayo halimbawang namatay ng sabay ang dalawang taong ito at sila ay bigyan ng kahatulan ng nasa Itaas, sino sa palagay nyo ang higit na mapalad? Ang mayaman at matino o ang baliw? Maaaring tama salat man siya ng yaman dito sa lupa ngunit tapos na ang kahatulan nya sa Langit pagkat lahat ng ginawa nya dito sa lupa ay hindi huhusgahan ng nasa itaas. Sa batas ng tao at batas ng langit wala na syang pananagutan.

At dito ang taong baliw naman ang magtatamasa ng lahat ng kayamanan na nakalaan sa mga taong maliligtas. Kaya dapat mahalin natin ang ating kapwa maging anoman ang kanyang hitsura pagkat mas higit na mapalad ang kapuspalad, salat at mahihina sapagkat kung kailan sila mahina ay saka naman sila malakas. Malakas sila sa ispiritwal at hindi sa likas na kakayahan. Huwag pong mapanghusga at higit sa lahat maging totoo tayong tao, maging magalang, mapagmahal at higit sa lahat ang dapat laging nasa unahan ng lahat ng ito ay ang AMA na ating Diyos.

Ngayon sino ang mas higit na mapalad?

5 comments:

Prinsipeng Pulubi said...

Hindi lahat ng tao ay pareho ng pananaw kaya sana maging mapagpakumbaba tayo, mapagmahal at maunawain. Matuto tayong gumalang at dapat laging may takot sa Diyos.

Anonymous said...

Marami sa atin ang mahirap ngang isipin na tayo ay maging isang katulad ng mga baliw, pero ang mga baliw ay ginagamit lamang ng Diyos upang subukin tayo na gumawa ng mabuti sa ating kapwa mahirap man o mayaman at pulubi,
dahil tayo ay pantay pantay na mahal ng Diyos..
mapalad ang tao na may awa sa iba at hindi nanghihingi ng anumang kapalit, lahat ng nagbibigay ay bibigyan!
"gawin mo sa iba ang gusto mong gawin nila sayo"

cindy said...