Tuesday, August 2, 2011

Salamat po Ama...

Salamat po ama sa mga biyayang kaloob mo po sa amin na ginagamit namin sa araw araw ng aming buhay. Salamat po ama sa Lakas at talino na nagagamit natin sa pakikipagharap sa magulong buhay ng mundong ito. At ganun din po salamat din at napakasuwerte namin dahil kahit kami ganito ay nakakaraos kami ng maayos sa isang araw.

Salamat po ama dahil napakaswerte ng mga batang masisipag at mapagmahal ang mga magulang. Salamat din po ama at maswerte din ang mga magulang na merong masisipag, magalang at matatalinong mga anak. At ganun din salamat din sapagkat binigyan mo kami ng buhay at malaman namin ang totoong kahulugan ng buhay sa mundong ibabaw.

Napakaraming batang nagugutom, mga taong gustong kumita sa napakaganda at mabuting paraan at kahit pagbabasura ay papasukin nila. Kung tutuusin marami tayong dapat ipagpasalamat sa AMA at sa ating Panginoong Jesus. Dahil kahit papaano ay nakakaraos tayo ng mabuti sa araw-araw.

Panoorin nyo po ang videong ito ng isang tv-show.


Hindi po ba nakapaswerte natin? Kumpara sa taong ito na nagsisikap kumayod sa pamamagitan ng basura mairaos at maisalba lang ang pamilya. Kaya sa bawat biyaya nating natatanggap sa araw araw ipagpasalamat natin ito kung saan ito nagmula. Nasaan na kaya ang mga pinuno ng bayan para maunawaan at makita nila ang ganitong sakit ng lipunan.

Salamat po AMA, maraming maraming salamat po at nakarating kami sa ganitong buhay na ibinibiyaya mo pa rin ang sapat mong biyaya para sa amin. Maraming maraming salamat Po...

No comments: