Sa nakaraang SONA kahapon ni Pnoy maraming mga bumabatikos at maraming nagbibigay puri sa sipag at talino ng ating bagong Pangulo. Sa mga bumabatikos, lalo na kay Teddy Casino siguro marapat na ito ang italaga ni Pnoy sa PAGCOR dahil bukod sa mahigit na 1 bilyong piso ng kape ay tiyak na magigising itong si Casino kasi pangalan pa lang mukhang magulang na makapal ang mukha. Dahil karamihan sa mga taong manunugal ay magulang at makapal ang mukha, wag lang yung mga mayayaman na ginagawang libangan ang sugal.
Itong taong to sana ang ilagay ni Pnoy diyan sa PAGCOR para malaman natin kung talagang may magagawa itong puro dakdak na ito. At para naman doon sa mga pabor kay Pnoy tama lang yan kasi sa ngayon hindi pa natin masyadong ramdam ang kanyang mga nagagawa kasi bago pa lang sya pero sa paglipas siguro ng isa o dalawang taon pa tiyak makikita natin kung gaano ka dedikado itong ating bagong pangulo.
Para sa akin okay ka Pnoy hindi kaya ng mga lider ng mga raliyista na laging nasa kalye ngawa ng ngawa sa pagbabago kung sarili nila hindi kayang baguhin dakdak pa ng dakdak na ginagawang kasangkapan ang mga miyembro para yumaman. Nagpapabayad sa mga businessman para mag-organize ng isang rally nakapronta lagi ang members. Rally ng rally hindi naman kasama ang puso at damdamin sa ginagawa kaya wlang napapala ang tanging hangad lang ay kumita ng malaking pera kawawang member ng mga raliyista sa atin sunud sunuran sa mga buwayang lider komunista.
Umpisahan ang hinihinging pagbabago sa sarili para makatulong tayo sa ating Inang bayan at sa bagong luklok na pangulo. At sana po mahal na pangulo pagbutihin nyo pa po ang inyong paglilingkod. At sana po ibalik nyo din po sa halagang 10 piso ang kilo ng galunggong gaya po ng ginawa ng inyong ina. Dahil ito lamang po ang itinuturing na pagkaing mahirap nung araw, pag-ibayuhin pa po sana ang ginagawang pagtugis sa mga kurap at buwaya ng lipunan. SALUDO PO KAMI SA 'YO!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment