Tuesday, June 14, 2011

Ugaling Filipino

Hay kahapon habang lulan ako ng isang FX Taxi papuntang Landmark ay meron akong nakasakay na babaeng may edad na. Hindi naman sya katandaan pero makikita mo sa kanyang pagkatao na siya ay matalino at matinong babae. Habang binabagtas namin ang edsa papuntang Landmark Makati ay nabayad ang ale. Ale:Bayad po sa 6750 lang po.. Sabay abot ng bente pesos. Hindi na sinuklian ang babae. Maya-maya ay nagtanong ang ale ng manong yung sukli po sa bente. Bigay ng sukli ang drayber 2 piso. Tanong ulit ang babae manong magkano po hanggan 6750? Drayber: 18 po. Babae baka po puedeng 15 na lang? Drayber inabot ang 20 pesos na ibinayad ng babae sabay sabing "Akina na po yung dos inaabot yung benteng bayad ng babae at sinabing wla naman pong problema doon eh. Babae:"Wala naman po talagang problema ang kaso ikaw ang may problema ilagay lang po natin sa ayos ang pamasahe. Tumahimik ang drayber. Sa kabilang banda tama naman ang ale hindi po ba? Dapat lang ilagay sa tama ang paniningil sa pamasahe kasi bawat sentimong ginugugol ng bawat Juan Dela Cruz ay galing sa dugo't pawis nya pareho lang naman pong naghahanap-buhay yung drayber at ang ale pero hindi nya dapat ipapasan sa bawat pasahero ang taas ng gasolina.

Marahil po ay nag advance lang ng isip yung drayber kaya gusto nyang mabawi agad ang ginastos nya sa gasolina at kumita ng malaking halaga. Ganyan talaga ang ugaling Filipino karamihan sa mga drayber magugulang sa kanyang pasahero. Sa Edsa Central na lang sa may greenfield yung pilahan ng pasahero doon kapirasong tent lang pag umaraw merong nasa initan at pag umulan merong nababasa. Hay naku puro pera at sariling kapakanan ang iniisip paano kung magkasakit ang mga pasaherong yan at karamihan sa kanila ay employees or workers na kailangang maghanap buhay, eh di patay na wla ng pera may sakit at gastusin pa. Greenfield Management tulungan nyo naman po ang mga pasahero nyo jan sa terminal maawa naman po kayo!!!!

No comments: